January 04, 2012.
Sa loob ng 2 years, hindi ko nabilan ng case ang aking lappy dahil noong 2009, medyo mahalia pa ang presyo at hindi ko naman dinadala kung saan-saan ang aking lappy. Mukha na rin namang haggard ang hitsu dahil laspag na laspag ang aking paggamit sa bahay. So why now?
Eh now lang din kasi ako nagka extra anda kaya ayan! Match na match pa sa fave kong color na Hotfenk kaya gooow na!
About concert...
Nagpaalam akong magli leave kay Ser nang Sunday dahil magkakaron ng concert ang Kapeks, dito lang naman sa tabi-tabi. Off ko ng Sat, pero para tuloy-tuloy ang ligaya, nagrequest na ako ng off ng Sunday morning.
Gash. Nung nagpaalam ako, suot-suot ko ang pang rockstar kong bracelet, kaya I'm sure, payag si Ser. Pero mukhang dineadskin niya lang ang reason ko na "may concert ako.." kasi NR siya dun. (no reaction) Or so I thought.
Kahapon, hindi matanggal ang smile ko hanggang batok ng sabihin nang isa pa naming boss na "concert" daw ang reason ko sa finile kong leave sa Sunday. Halos gumulong ako kakatawa ng malaman kong nilagay ni Ser na yun ang reason ko kung bakit ako magli-leave. At kanina ko lang siya nasita. At tawang-tawa naman kami sa kagaguhan niya. Di ko naman siya mamura, baka ma-offend ko kaya inirapan ko na lang siya.
About Karylle...
Siya ang bagong cover issue ng Women's Health for 2012 at nalaman ko yan dahil sinabi sa akin ni Ser, kaya, kelangan ko daw bumili.
Ayon sa aking love adviser na si Nat, minsan naman daw, wag akong mag-agree sa mga gusto ng aking pinakakagusto para naman magkaron ng excitement ang aming natutulog sa pansitan na relationship. Nakabili na daw siya kaya bumili din daw ako, so buong giliw ko sinabi na "mukhang ikaw lang naman ang bumibili niyan eh...." to which he rectify na madami-dami naman daw silang bumibili, pero nung tinanong ko na kung ilan, dinampot niya ang alcohol para isaboy sa akin at sindihan ako ng lighter. Bwahahahahahahaha! Kinikilig ako!!!!!!!!!








0 comments:
Post a Comment