Kalandian #2

Dapat #3 na 'to kaya lang sobrang tinatamad ako i-edit ang last entry.

Is two too much?



Second day straight na akong lumalaps ng pretzels! Yung isa, para kay mamushka, kaya lang nang dumating ako, waley pa siya, so ako na muna kumain. Bibilan ko na lang siya ulit bukas. Alam ko, mali itong nangyayari sa akin at kelangan ko nang tigilan ito.

He's wearing my fave shirt, color Aquagreen na may kung anetch-anetch na prints. Hangkyut niya kapag suot niya yun. Gash, pagdating pa lang niya, pinansin na niya ako. Good mood siya. At good mood din siyang asarin at ireto ako sa kanyang 'friend' na sa QC rin nakatira. Sa mga ganito bang pagkakataon, tama na bang ihirit na hindi ko magugustahan ang sino mang ireto niya dahil meron akong ibang gusto? Gash, torpe lang din naman ako. Nakakalimutan ko rin minsan ang umarte na hindi magmumukhang totoo ang sinasabi ko.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment