There are still pictures from Dec 2010 that I haven't publish yet. Wala namang mangyayari sa akin kung puro katamaran ang papairalin ko, so I'll try to post them in a random way na para hindi ko ma-feel ang masyadong "pressure" na hindi ko pa tapos ang Project 365.
Dec 17. Our Merry Xmas Party at IT Operations. Sa pantry lang naman naganap dahil wala naman pwedeng mag cover sa amin kung sa iba pang lugar namin gagawin. Wala nang program, kaninan at games na lang, pero itong party ang masasabi kong enjoy dahil masaya ang games! Sa isang game na "pahabaan" maraming naghubad ng damit at binder para mapanalunan ang katakam-takam na prize - Pear-shaped ham from Purefoods.
What I got from exchange gift? The 5th book of ASOIAF! Though hindi si Rej ang nakabunot sa akin (dapat masanay na ako na first name basis na lang kami) masayang-masaya ako dahil up to date na ang mga books ko. At hindi ko pa rin tapos basahin ang Game of Thrones!
Dec 27. May isa akong poging ka-officemate na nagtitinda ng cupcakes, made to order. Hindi naman sa pogi siya kaya napa-order ako, hindi ko kasi natikman 'to nung aming Xmas party dahil wala akong ganang kumain, dahil may sakit ako. Ang dami kong dahilan 'no? Hindi naman sobrang sarap ang mga cupcakes ni kuya, tama lang para sa gutom na tiyan. At nakakabusog sa mata.
Anim lang naman ang laman nung box sa taas. Yung pica sa baba, yan ang dinala niya nung Merry Xmas party.
Dec. 25. Madaling Morning. I spent Christmas sa office ng morning at sa bagong baler ng kapatid ko sa hapon. Lima lang kaming pumasok nang Christmas, solo flight lang ako nung shift ko dahil absent ang kasama ko, kaya nagdala ako ng chocolates para give away sa mga kaofficemates ko. Gash. Umabot Aparri ang balita kaya nagdala ako ng second batch post Christmas. Pwede namang hindi na i-shout sa fezbuk de vah? Ay damot ko naman. Hehe.








0 comments:
Post a Comment