Ang GANDA KO!

13, 22, 23, 28. Four days lang.

13 and 28 are the dates that Mareng Susan mentioned that suppose to be my most romantic dates. Kahit nga Feb 14, hindi na mention, eh moment ko yun kay Heartbeat. I am referring sa moments namin ni Kerby. Gash, ibang kilig sa keps ang dulot niya. Nagaalala na ako dahil wala nang kilig na dulot si HB.

Four days akong nagpahinga, straight days off at transition ng new sked, tamang tama din dahil may ubo't sipon ako. Fres na fres, pagpasok ko, feeling ko lang naman, magkikita kami ni Kerby dahil I miss him terribly, much more than HB. Truly, nandun nga si Kerby, kasama ang ilang member ng Vaniderm boys. Parang meron silang maliit na pulong dahil nagkukumpulan sila sa isang section na katabi pa ng station ko.

Gash, naisipan kong mag Angel Locsin look (not the outfit) kaya big waves ang drama ng hair ko. Gamit ko na rin ang bagong panali sa buhok na parang cord ng phone na bagong bili pa namin ni ateng. I look so cute at tamang-tama pagpasok ko. Kapag naabutan ko si Kerby, siya ang unang mag ha-HI sa akin, habang nagha HI ang iba ko pang ka officemates. Kaya naman, may specific HI ako para sa kanya at ang second HI ko ay naka addressed to the rest of them.

Hindi pa nga naiinit ang tumbong ko, pinuna na ako agad ni Kerby. Bumibilog daw ako. BWAHAHAHA! Taena yan! Ang dami namang papansinin, eh yung paglobo ko pa! Alam ko naman 'no? So dahil ang layo niya sa akin at mukhang atat siyang kausapin ako, lumapit siya at naupo sa right side ko para interviewhin ako. First time ko siya tinitigan ng malapitan, hindi naman sa bias ako kasi crush ko siya, may hitsu naman siya. Parang extra cute siya today. At sinabi niya na maganda daw ako today, sabay puna sa kulay ng kutis ko at kutis niya. Hindi kaya same info na rin ba ang fini-feed ng mga ka officemates kong nangaaasar sa amin ni Kerbie kaya same info lang din ang sinasabi niya sa akin? Gash.

So, tinanong niya kung available pa ako at kung may boyfriend na ako? OMG, already? At kung kelan naman ang ingay ingay ng paligid, paano ako makakapag isip ng appropriate na sagot? Natameme lang ako dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko diyan.

Then he asked me kung okay lang daw sa akin ang bata. Nabanggit na yun dati kung pumapatol ako sa bata. Tinanong niya kung ilang taon na daw ako, kasi, okay lang daw sa kanya na mas matanda sa kanya ang babae. Gusto niya ng matured women. Natawa naman ako at sobrang lakas ng hiyawan sa office. Oo na, 6 YEARS ang tanda ko sa kanya at IMMATURE ako.

At para akong barbeque stick kanina dahil pinapatuhog na rin sa akin si HB. Pwede ko daw maging sponsor papuntang Coron. Nagmaang- maangan na lang ako. Hindi ko daw type si HB?Sabi ko, tropa tropa lang kami at walang ganunan.

Kerby mentioned twice na kaya siya nag stay longer dahil ang tagal daw na hindi niya ako nakita. Wala ako nung weekend. Kaya nung nakausap na niya ako, sinabi niya pa na dahil nakita niya na ako, pwede na siyang umuwi. NKKLK na ito! Sobrang kinikilig na talaga ako sa kanya, pero nagaalala ako, ba't hindi na ako kinikilig kay HB? Nahihiya pa rin naman ako when he's around, pero hindi na tulad ng dati.



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment