That was the title of The Morning Rush Top 10 for the day. It was Tuesday, February 07, 2012. Our frustrations during the first book signing of their book encouraged us to finally visit them at the station's booth.
The first leg of the book signing was at Galleria. They had a cut off, sad to say we didn't reach the quota kaya umuwi kaming pagod at pero busog naman at slightly happy dahil may mga kuha kami ng malapitan ng aming idol.
Heto pa lang, tuwang-tuwa na ako. Paano kapag nasa booth na?
Biglaang leave 'to at buti naman, hindi maramot si Heartbeat mag approve. Habang tinatahak namin ni ateng ang daan papuntang Strata 2000, parang natatae ako ng di mawari. Yung feeling nang may pupuntahan kang interview? Kinakabahan. Nanlalamig ang palad. Para akong lumulutang habang naglalakad. Dumaan muna kami sa Nyorbacks para bumili ng foodams dahil baka hindi pa sila nagbe-breakfast. I'm sure, may mga iniinom na kape yang mga yan..
Naharang pa kami sa lobby dahil parang nalilito yung guard kung papanikin ba kami. May gate pass para sa mga bwisitors na kelangang ipa-sign kay Chico. Siguro, dahil sa mala-Angel Locsin na outift ni ateng at kulay Barney, pinatuloy na kami kahit walang bitbit na ganun.
Nakasama pa namin sa elevator si Jude Rocha, ang laki niyang mama! Gash, eversince na nakinig ako sa showe nila ni Rico Robles, nag-gym na siya, eh parang hindi naman umimpis yung tiyan. Kung makapuna naman ako, akala mo payat.
Akala namin suplado siya, but he was nice and accommodating. Naks! Eh kasi nung nakita niya kaming pakalat-kalat sa labas ng office, tinanong niya kung papasok daw kami, kaya pinagbuksan na niya kami ng door (instant locked yung door) at tinuro niya pa kung saan ang booth. Sinabi niya na pumasok lang daw kami sa loob. Umupo lang kami sa visitor's seat na parang nagaabang. On Air kasi sila Chico and Delle, kaya hindi muna kami pumasok.
I will never forget Chico's reaction nung pagpasok ko at nag 'hello' siya kasi sobrang laki ng mata niya. Hahaha! Everything that's happening is so surreal. Nakatulala lang ako habang pinapanood sila.
Useless fact. Kapag News at 17, tumatayo pa si Delle from the main seat para umupo sa pwesto ni Chico (left) para basahin ang news.Si Chico ang may copy ng news, pati ng traffic report.
Tamang-tama, epic rap off nila kaya I am so lucky enough to see all of them rap and sing at the same time. Nagugutom na pala nun si Chico, dahil sobrang pressured sila sa rap, dun pa lang siya kumain at nilaps niya ang aming pasalubong! Nakakatunaw ng heart makita na nilalantaka niya ang dala naming foodams.
Akala namin kami lang ang magiging bisita for the day, I was also hoping na sana, mga isa or dalawa pang bisita para naman hindi nakakailang. Pero, ang nakakagulat, isang tropa ang bumisita sa kanila. Very close pa ang grupo kasi kung makapag harutan sila. Sa sobrang ingay, lumabas si Gino ng booth dahil hindi siya makapag concentrate pa sa kanilang rap off.
As usual, mula sa pagiging friendly bitch, umiral na naman ang pagka snob namin ni ateng. Chos. Yung iba kasing bwisitor dun, parang may attitude habang pinapakilala sa amin. Kala mo naman kung sino. Kaya tahimik lang kami ni ateng. Pero may mga nice din naman na nakikipagkilala sa amin.
Gash. Ang pogi ni Gino. We saw him for the first time ng lumaps kami ni ateng sa Goodles, Galleria. Ang pogi-pogi niya from afar. Ang pogi-pogi niya rin sa loob ng booth. May nahulog pa nga na panty dahil sa lingon pa lang niya, appetizer na. Eh paano kapag nakipagusap pa siya at nag smile?
At suplado siya. Hindi ko rin makakalimutan nung nag pictorial kami at nagtanong ako kung okay na ba yung hawak kong camera ni ateng. Siya na ang sumagot. Okay daw kung hindi nakatakip ang lens. Oo nga naman, may point siya. Pataray nga lang siya bumanat.
Siya ang first crush ko among the DJs of RX. Sige na, pagbigyan na ako. May picture kami nung 2006, we're both payat pa, pero ngayon, obvious naman na naghahabulan kami ng laki ng katawan. Kaloka pa itong si Rico, mag start ba ng convo? Eh dapat fan/idol mode lang kami na wala nang imikan. Ano 'ko, pipi? Hehe.
Shocks, ang cute pa rin ni Rico. Yes, crush ko pa rin siya. Pagbigyan na ako, please.
Saved the best for last. Delle was in a rush dahil naka-sked na pumunta ng doctor si Cooper, kaya kumaripas agad siya ng alis sa booth. No time for picture taking, pero, my gash! Si Chico naman ay buong giliw na nagpapicture sa amin. Ang hilig lang nila umakbay sa akin ha? Balak ko pa sana siyang kamayan, kaya lang kakahiya. Pareho lang kami na pasweet dito ni Chico.
And our book was signed! Bago umalis si Delle, nakapirma pa siya gamit ang hotpink gellpen ko! Yehey! My February was definitely completed, kahit wala nang date-date na yan at kahit single pa rin ako!













0 comments:
Post a Comment