Makati

An office chismis. Sinabi lang ito sa akin.

Somebody heard from the other department that one of the people from ours allegedly called them "makati" (not the city) when they are about to go out and have lunch with the boys from our department. It was just brought to my attention a while ago that there's a tension building up from the involved people.

And I honestly don't farrrking care! Even if everyone is guilty and having a affair to anybody, I really, really don't care.

Background.

Let me give you a background about one of these girls they are referring to. Siya lang naman kasi ang nakilala ko and I've hangout with her one time. Nakasama ko siya when we watched the concert of Incubus.


Magaling siya on any work related, I can see that. But meron siyang ugali na mahilig siyang mangarir sa boys. She's single, wala namang masama don. Most of the time, her acts often lead her to trouble. The worst was when the wife confronted her about her messages to the wife's husband. Hanggang ngayon, the wife doesn't trust her. They are all working on one environment.

One time, this makati girl told me na meron daw issue between them and the girls from our department. Nagulat ako kasi wala naman nakarating sa akin at siya pa ang nagsabi ng ganun. Meron kasi ring ugali si girl na gustong-gusto niya na pinaguusapan siya, kesehodang nega or positive. At gustong-gusto niya malaman kung anuman yung pinaguusapan. I haven't gone into the details kung anuman yung issue nilang yun kasi wala naman akong paki.

And heto na nga, nakarating sa akin na may mga ganap palang "makati" at minsan, tinawag pa daw silang "higad" ng isa sa mga babae sa department namin. Kalurkey! I checked her FB profile (we're friends) at may mga status siya na maaanghang! Parang mga patutsada lang sa industry ng showbiz! Hahaha! Ang saya-saya magbasa ng mga away online. Hanggang ngayon, wala pa rin akong nababalitaan kung sino-sino ang involved sa department namin 'coz they remained mum about the issue or baka iniisip nila na close kami ni makati girl kaya hindi nila sineshare sa akin ang magandang balita.


Ang hindi ko lang maatim eh napansin ko na tinatanong na niya sa akin si Heartbeat. Hahanapin niya kapag day off na hindi naman niya ginagawa before. Naisip ko, baka siguro wala lang matanong. Pero nagulat ako kanina ng ma witness ko nang umalis siya, nagpaalam siya kay Heartbeat at tinawag niya by first name! OMG. Friend ba siya para first name na lang ang tawag niya? At kelan siya pa nagpaalam sa boss ko eh dati hindi naman. Did they hangout together?? Don't tell me pati si Heartbeat kohhhhhhhhhh?

Wag ko lang malaman na kinakarir niya si Heartbeat. OVER MY DEAD BODY....!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment