Is This Love Feeling Restless Inside???

Is it too early to feel jealous?

I missed Kerbie so much dahil it's been one week the last time I saw him. Looking forward pa naman ako pumasok kanina, I channeled the Angel Locsin within me at super cute ko kanina ng pumasok ako, pero luhaan pala akong darating ng ofez dahil nakauwi na siya. How sad... Andun pa naman yung bago niyang bff na girl na taga Helpdesk, yung lagi nilang kasabay umuwi dahil inaantay nila magpa-umaga.

Naisip ko lang naman na kalkalin ang aming shared folder at hindi ko naman ini-expect na may laman na mga pictures ang kanyang folder. Nakahain na, hindi ko pa ba titignan? Charrrr. Mga kuha nilang mga mag-bff nung naka business attire kami dahil may mga clients na dumating at kuha nila yun sa labas office building. Hala! Hindi pala ako nagselos.. More of "inggit" ang naramdaman ko dahil kami, matagal ng magka-officemates, never pa kaming nag hangout or nagkaron ng pictures together, samantalang yung mga bago naming ka officemates sa Helpdesk, close na sila agad!

Officially naging crush ko siya nung Zombadings days, pero hindi ko na pinursue ang feelings ko (meganun!) dahil minsan lang kami magkita at priority ko si Heartbeat. Isa pa yan. Andyan naman si Heartbeat, si Kerbie ang hinahanap ko. Ibig bang sabihin.......?

Nung nalaman ko rin na may pinopormahan dati si Kerbie, ngayon eh mukhang hindi na niya pinursue, alam ko, na-hurt ang feelings ko, kaya nag mind set ako na hindi ko na siya bet.

Kinikilig pa rin naman ako kay Heartbeat, lalo na nung last eksena namin na parang napagtanggol niya ako ng hindi sinasadya sa taong kinaiinisan ko sa office. Kaninang umaga, nag text siya sa akin para mag remind ng isang monthly job na puede naman niyang i-remind sa isa ko pang bff na si Lanie. Off niya ngayon, pero may pasok naman siya kahapon at nagkita naman sila ni Lanie, so bakit kelangan ako pa ang pagbilinan? Puede naman niyang sabihin yun kay bff, de vah? Oh baka gusto niya lang na magtext sa akin, kasi last week, super phone patch ako sa kanya every hour at sinasagot niya ang tawag ko palagi... Char.

Mas matinding kilig ang dulot ni Kerbie ngayon over Heartbeat, pero bakit ganito? Dinaig ko pa ang dalawa ang jowa. Ang laki-laki ng problema ko, samantalang hindi ko naman sila jowa....



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

1 comments:

ellie said...

lol. ang laki naman ng problema mo. nyahahhahahahaha!

Post a Comment