4.30
Sige na, ako na ang reyna ng mga pamahiin dahil I was wearing my 'lucky shirt' kaninang pagjosok ko sa office. Why lucky? Eh yun yung suot ko nung may napastop na carumbey para magtanong ng number ko (for more information, please read May Asim Pa na entry) Eh kasi naman, ang jineeeet! Puro color black pa ang mga outfit ko, so para maiba naman ang mood, combination of white, pink and blue stripes na shirt ang suot ko. Sa airconditioned na bus pa ako nakasakay., kaya fres na fres ako pagdating ko. Siyempre, di ako natulog no! Baka mamaya, buong bag ko ang mawala....
Pagdating ko sa office, nasilip ko, wala si Kerbs sa station niya, pero nandun pa yung bag niya. Ibig sabihin, lumabas lang siya kasama ang mga friends niya at hindi pa siya umuuwi. Gashhhh, pagkakataon ko na to para magretouch ng bonggels! So ayan ,ang ganda-ganda ko na, ready na ako kapag dumating siya.
Inferr ha, naka black shirt at khaki pants siya kanina. Magaling na siya pumorma. Hindi kami agad nakapag moment dahil work ang topic namin pagpasok niya. Nagmamadali siya magayos. Uuwi na daw siya kasi, mag gy gym pa daw siya. So nagliligpit na siya. Pero hindi agad siya umuwi. Nag stop over muna siya sa akin.
Inaantay ko naman talaga siya mag initiate ng convo namin. Tinanong niya kung may josok yung isa kong ka shift at tinatanong niya ang off. Tinanong niya yun para matanong kung ano naman ang off ko. Siyempre, nagetching ko na yan. Simula na nang paglalandian namin.
May common off kami for the month of May. Siya, Thurs/Fri, ako naman, Fri/Sat. Pwede na daw kami lumabas.
Bago umalis, umikot siya para magpaalam sa aming iba pang mga kaofficemates at bumalik siya sa akin. Sabi niya, aalis na daw siya, yung kiss daw niya. Siyempre, alam ko na ang cue ko. Kunwari, tumayo ako para ibeso siya. Lumapit siya para ibeso ako. At ibebeso niya nga ako, so ako na ang napa stop! Sabi ko,"teka lang! na shocked naman ako sayo!" sabay tawa. At pinapanood pala kami ng madlang pipol kaya nagtawanan sila. Sabi niya, "ikaw....? ako, game ako!". Sabi ko, "huwag mo naman ako biglain! Nasho shocked ako eh! dahan-dahan lang" Pero OMG ha, gusto niyang totohanin yung pagbeso sa akin huh! EH NAHIHIYA PA KASI AKO EH! SAKA NA LANG! SIKIP-SIKIPAN PA ANG PEG KO.
Gash. Ang daming naka witness kanina. I'm sure, kakalat na naman yan sa ofizina. Pero, naiinip na ako. Sana, minamadali na niya ako.
Game Ako
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






0 comments:
Post a Comment