4.23
It was exactly 31 days ago when I last saw Kerbie. Ang shugal! Nakalimutan ko na rin ang fez niya. When we sa each other, I thought we were strangers again, pero hindi naman.
I was not wearing my pangmalakasan outfit, I even didn't go to the CR to have a retouch. It was scorching hot outside, kaya pawis-pawisan ang beauty ko. Naka flatform sandals ako at ni hindi pa ako nagsusuklay. Nang masilip ko sa glass panel na nakaupo pa siya sa station niya, ang nasabi ko lang ay "shit!". Di man lang kasi ako nakapag ayos. Wala nang atrasan ko. Kahit mukhang haggard, go na!
Weekend yun, kaya dress down ang beauty ko. Pagjosok ko sa loob, lumingon siya at ako na ang nag "hi!" sabay smile ng pagkatamis-tamis.Nagulat siya nang makita niya ako, parang bigla akong naging bisita na inistima at inasikaso niya agad. Paupo pa lang, kinakausap na niya ako.
Nakita niya daw ako a month ago sa may bandang Philcoa, sabay tanong kung taga dun ako. Nagla-log in pa lang ako, kaya iniisip ko ang mga eksena ko sa kalye ng Philcoa. Ito ba kaya yung naglalakad ako paggising ko pa lang, mukhang kabubukas lang ng mata, bagong hilamos para bumili ng Chicken Joy sa Mc Do? Ay, kagigising ko nga lang niyan at wala pa ako sa wisyo! Nung tinanong ko kung gabi ba yun at nag agree niya, nakahinga na ako ng maluwag kasi ibig sabihin, nakita niya akong papasok pa lang sa office. 1am ang out niya, 1:30 ako umaalis ng bahay para tumawid sa overpass at sumakay ng bus. Mabilis naman ang biyahe sa gabi, kaya hindi imposibleng nakikita niya ako papasok.
Hindi pa siya nakuntento, pumunta siya sa likuran sa may bandang left habang nagtatanong ng kung ano-ano. Hindi ako lumilingon kasi nahihiya ako at nagiisip ako ng mga witty answers sa mga impertinent Qs niya., when he finally mentioned my name at nilingon ko siya. Parang sa pelikula lang, dahan-dahan. Slow motion. TAENA! Ang lagkit ng titig niya at para kaming mayg ki- kissing scene! Ang landi ko di ba at yun ang naisip kong description sa paglingon ko, pero hindi naman masyadong malapit yung fez niya sa fez ko. NKKLK NMN! Umiwas ako. Napaso kasi ako. Bwahahahahahaha! Titig pa lang yun, pero parang libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa akin. Charrrizard!
Kung may mga ganyang eksena, may mga disappointing moments din siya. Nakaka disappoint dahil simula nang napabarkada siya sa mga maloloko pa naming ibang ka officemates, naging maloko na rin siya. Lumalabas ang kabastusan niya. Tanungin ba ako kung mahilig ako kumain ng hotdog. Like duh! Ako pa, hindi ko siya papatulan ng ganung usapan. Tamang tanggi lang ako sa mga tanong niyang ganyan. Nao-offend kasi ako. Kahit medyo gusto ko yun. Hehe.
Maya-maya, biglang umupo siya sa tabi ko. Tumingin daw ako sa kanya, eh busy-busihan naman ako kaka echos ng kung anetch-anetch kasi kinikilig na ako.Nang lumingon ako, pipicturan niya pala ako sa shellpown niya! Nagulat ako. Naisip ko, gash! Anong hitsura ko? Dapat cute ako diyan. Ay di pala. Dapat, maganda ako. Para naman hindi halatang nako conscious sa gusto niyang gawin, sinabihan ko na lang siya ng wait lang, maglilipstick muna ako! Sabi niya, wag na daw. Hindi ako lumingon at kinuhanan niya pa rin ako. At nang sinabi ko na gusto ko makita yung shot na yun, hindi niya pinakita sa akin at sinabi niyang may paglalagyan daw siya nun. Eh saan naman? Sa collection niya ng mga girls? Duh! Char!
Last month na nagkita kami, hindi ba malaki ang biceps niya. Ngayon, may 'daga' nang nabuo kahit hindi pa siya nagfe-flex. Ang laki-laki ha! And I like it!
Gusto Mo ng Hotdog?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






0 comments:
Post a Comment