Muli ko na namang napatunayan na ako ay may asim pa.
Minsan, tinatanong ko si God kung kelan niya ako bibigyan ng long term jowa na eventually, makakatuluyan ko. Or kahit short term bf na lang. Gash, anong petsa na at ilang taon na ko? Tama na naman sigurong preparation ito no! Sa tingin ko, kaya ko namang mag enter sa isang relationship sa haba ng experience ko na walang jowa.
Sa ganitong panahon na kung saan ay hindi ako dapat gumagastos, bumibigay ako sa temptation eh kasi naman, ang saya-saya mag shopping! Yung kahit ano lang mabili mo? Kahit morayta lang or maliit at simple lang, basta naka punta ka ng mall at naka buy ng something, happy na!
Ang itinerary ko (itinerary talaga!) ay Quiapo, then SM North. Quiapo, dahil kelangan kong pumunta sa Hildago St. na kung saan may pagawaan ng sirang cam. Fuchu-fuchu lang naman ang cam ko, nasira ang LCD kasi nadaganan ko yata. Sa sobrang pagmamahal ko, tinabi ko pagtulog. Hayun, wala nang makita sa screen. Gumagana pa naman ang lahat at nakaka picture pa, yun nga lang, tantyahan.
Masaya mamili sa Hidalgo para sa mga mahilig sa camera. Morayta talaga, malamang, mura ang bigay sa kanila at hindi nila kailangang mag presyo ng pang "mall" para sa mga tinda nila.
Pina quote ko ang sirang LCD ng cam ko at sinisingil ba naman ako ng 3,500. Seriously? Para sa screen lang? Edi bibili na lang ako ng bago. 500 lang nga ang budget ko, max na yan. 10K naman ang bili ko sa cam ko ng Dec 2008. More than 4 years ko pala napakinabangan. Balak ko na dispatsahin, may bibili pa kaya kahit for 1K lang?
Sawi na ako cam ko, kaya ang dapat sana na budget ko for that, eh napunta sa mga accessories, Siyempre, nandun na lang din ako, I stopped by at Well Manson na kung saan hindi dapat nagpupunta ang isang babae na walang dalang pera, kundi, made-depressed siya. Gash! Ang saya talaga mamili dito at medyo nakapag panic buying ako kasi ang daming cute na necklaces and earrings! Gash, sa susunod talaga, di ako magdadala ng pera! Char.
Around 5pm, tumulak na ako papuntang SM North. Nag jeep lang ako, kaya amoy usok at pawis na ako pagdating ko sa SM ng 7pm. Ay hindi pala ako sa SM bumaba, sa Trinoma pala. Ang gulo ko naman magkwento. Balak kong dumaan sa Landmark para bumili ng bagong outfit pang office kasi nasa-sad na ako sa mga outfit ko ngayon. Plus, ang init-init pa. Gusto ko ng mga light material na hindi mainit isuot sa katawan.
Gash! Ang daming madlang pipol! At nasa iisang area sila - sa mga bathing suit! Hindi na ako nakigulo pa at sa ibang part ng store ako nagpunta. Wala akong nabili ng outfit, puro mga shorts na mukhang pang basketball ang napakyaw ko. Ang mura kasi! Pwede kong magamit pang jogging kapag sinisipag ako!
So this is the fun part! Pauwi na ako, inabot ako ng 9:30pm kaka shopping. Naglalakad na ako sa kalsada malapit sa amin. Madilim, pero maliwanag ang ilaw sa daan. Walang katao-tao kundi ako at isang sasakyan papasalubong sa akin. Mabagal ang takbo ng carumba. Hindi ako marunong tumingin ng carumbey, ang alam ko lang, kulay light gold at hindi talaga ako marunong mag describe. Paglagpas namin pareho sa isa't-isa, narinig ko, may tumatawag ng "Ateh!". Dalawang beses. Eh dahil ako lang naman ang tau-tauhan dun, edi inassume ko na ako yun, deh vah. So lumingon ako. Baka magtatanong ng direksyon si Kuya. Baka gusto niya malaman kung ilang buildings meron at hindi niya mahanap ang sadya niya. Medyo malayo pa ang pagitan namin, hindi naman ako lumapit dahil pwede naman siyang sumigaw at maririnig ko. At nalurkey ako sa sinabi niya.
"Pwede ko bang makuha ang number mo?" OMG. I was like shocked for a monument. Tama ba narinig ko or nag hallucinate ako? 3.5 seconds akong natigilan niyan. Marami na ako naisip, pero inulit ko ang tanong ko. Sabi ko "Ano?" with matching kunot noo at laki ng butas ng nose. At inulit naman ng boylet ang kanyang kwistyon. OMG. Ang gulo ng isip ko. A smaller part of me is telling to move closer to the car para kilatisin ang lalake at a BIGGER part of me is telling na, "hoy! hindi mo kilala yan teh! baka i-abduct ka!" Ang gusto kong mangyari at that time ay umalis sa kinaroroonan ko at umuwi na ng bahay. Natakot ako ng hindi mawari! Sinabi ko na lang sa lalaki " NAKAKALOKA KA!" sabay iwas at lakad ng mabilis. Medyo madilim pa sa dadaanan ko, kaya pagsapit ko ng gate, nanginginig pa ako habang nagbubukas. Eh hindi ko narinig na humarurot ang carumbey paalis eh, baka nandun pa si Admirer. Ang dami kong hanash at naisip ko lahat ng yan sa panahon na tinanong ako ng number ko! Hahahaha!
Maraming mali sa sitwasyon kaya it didn't end up what that guy wanted on me. Unang una, tinawag niya akong "ateh" Yes, with an "h" kasi kung maka ateh siya eh parang bibili lang siya ng yosi o ice tubig sa tindahan. Pangalawa, mukha siyang bagets. May hitsu naman siya, nasa chubby-chubbyhan side at mukhang maputi siya nung gabi, so magiging ATEH niya lang talaga ako literally if ever man na binigay ko ang number ko sa kanya. Pangatlo, come on! Kung mahilig na siya makipagkilala sa mga strangers ng ganung style, ibahin niya ako. That is a very awkward situation. Ni hindi ko nga napaghandaan yun eh! So yun na yung maraming mali sa naganap sa amin. I somehow regret it, pero ganun pa rin ang gagawin ko if ever I encountered the same situation. Bakit naman kasi ganun? Pwede namang maayos na pagtatanong, sabay getching ng number ko eh. Hmpppphh.
So magtataka pa ba ako kung bakit ako single?
Maasim Pa
2:21 PM |
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






0 comments:
Post a Comment