Something happened last night that is worth an entry for this blog.
Nalaslasan ako. Ng bag. This is not then first time it happened. Pang third time na nga ito. Sabi nga nila, three's a crowd. Anong connect? The first time it happened should mean that I'll be more ever careful para hindi na mangyayari ever. Eh pang third time na ito? What is so wrong with me?
Sobrang init kagabi, nagabang pa ako ng airconditioned na bus para naman pagbaba ko, fres na fres ang beauty ko dahil baka makasalubong ko nag mga crush ko sa daan habang naglalakad. Eh galing pa ako ng off, wala pa akong tulog. In short, nakaidlip ako sa bus. Idlip lang naman, kasi nagising ako agad.
Sa harapan pa ako nakaupo, malapit sa estribo ng bus. Wala akong katabi nang makatulog ako sa tabi ng bintana. Nagising ako nang may katabi na akong lalaki. Na may malaking bag. At initial reaction ko ay to keep my bag away from him dahil baka natatamaan siya. Paghila ko, parang bumigat ang bag ko, akala ko, naupuan niya ang isa sa mga strap kaya nung hinatak ko, hindi ko agad nahila. Malapit na akong bumaba, kaya pinilit kong gumising para hindi ako madapa kapag bumaba na ako ng bus.
Habang naglalakad at tumatawid sa overpass, naalala ko ang lalaki na katabi ko. Hindi ko nakita ang mukha niya, pero malaki ang bag niya. At naka-red siya na slip on shoes. Naalala ko ang weird na kilos niya ng hinila ko ang bag. Parang nagulat siya at umusog ng malayo sa upuan niya. Nang tatayo na ako para bumaba at kailangan niyang mag give way, tumayo siya agad kahit hindi pa ako nagsasalita. I am sure na pinagmamasdan niya ako dahil weird din naman ang mga reactions ko. Nakasimangot ako nong nagising ako.
At sa sobrang na weirduhan lang ako ng nangyari sa bus, chineck ko na yung bag ko kung may something ba, at meron nga! Nalaslas na pala ng walang hiyang katabi ko ang bag at naka-hello na ang yellow wallet ko! Nakapa na niya ang loob ng bag k oat dahil malalaki ang nakalagay sa loob, wala siyang nailabas, pati ang wallet ko dahil maliit na butas lang ang nagawa niya! Kung nakuha ko pang kumalma while under pressure, na-scared na rin ako for my life dahil ang bag ang grinipuhan, at hindi ako.
May emotional attachment pa naman ang bag na ginagamit ko dahil I am using it for more than 2 years. At wala pa naman sa plano ko ang bumili ng bagong bag.
Nalaslasan na ako before at nakuha ang cellphone kong with flashlight, pero hindi naman ako natutulog. Nalaslasan na ako at sa sobrang kapal ng bag at may lining pa, walang nakuha sa akin. Nakatulog ako nun. Kelangan bang paulit-ulit ito mangyari sa akin?
Lahat ng bag na nalaslas ay tinatapon ko. Malas na nga ba yun o sobrang careless lang ako at nalalagay pa sa alanganin ang precious life ko?






0 comments:
Post a Comment