Nakausap ko kanina si HB. HB as in Heartbeat. They are getting a lot of sponsor para sa nalalapit nilang tri, ewan ko kung saan. Sa Cebu yata yun. Nakapag ex-deal sila with Oakley, yung shades at yung latest, yung Ampalaya Plus. Sasagutin ng sponsor nila yung registration fee na minsan, umaabot ng 10K plus! Gash! O sige, kayo na! Hahahaha!
May one year supply sila, pero hindi daw niya naman iniinom. Nabanggit niya na hindi na pala siya pwedeng picture-picturan na umiinom ng liquor dahil baka kapag nakita ng sponsor na mga lasenggo naman pala yung pagsponsoran nila, bawiin. He asked me kung paano gawin ang hindi makikita na mga tagged pictures at pinagsisihan ko ang pagtuturo sa kanya. Paano ko na makikita ang mga picpac niya? Eh yun lang naman nagpapasaya sa akin.
On the other hand, feeling ko, magkakaroon ako ng bagong crush. Oh my gums, please naman, wag naman please. Two is a handful, I can't handle anymore feelings kung may isa pang papasok. Char! Kasi, ang nice, nice niya sa akin. Siguro kasi hindi naman kami madalas na nagkikita. Gashessssss, please naman, wag na naman. Charrrr!
Call Me Maybe?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






0 comments:
Post a Comment