Hindi pa rin naman nadadagdagan ang crush ko. It is still two, offesh! Basta ba wag kami magkikita at makakadaupang palm nung pogi kong ka officemate, I am safe. Ang hirap i-resist ng charms. Ang pogi kasi!
Pansin ko lang din ha. Defense mechanism ko sa mga pogi ang pagiging suplada, ayoko pa naman maparatangan na type ko sila, not yet, maybe later. So medyo nagsusuplada ako.
Tuloy na tuloy na ang pag move ko from madaling morning shift to panggabing shift. Panibong adjustment na naman ito. What I like about it, pumapayat ako, kahit papaano, kasi naga adjust ako sa paglaps ko ng foodams. Sana naman, maging maselan ako sa pagkain so that I could lose weight.
Namimiss ko na si Kerbie. As usual, umuwi na naman siya ng maaga. Pero natuwa naman ako dahil tinutukso na naman ako ng supervisor. Pag naging panggabi na daw ako, ipapakilala nila ako sa manok nila. Nag-gi-gym, macho at faithful daw. Bwahahaahahah! Tumatanggi pa ako nung una, pero si Kerbie pala ang dinedescribe. Hahahahaha! Mag inarte pa ako? I'm sure, magiging sabik ako kay HB dahil siya naman ang mamimiss ko kapag nang panggabi na ko.
Habang lumalaps sa pantry, hindi ko lubos na maunawaan kung bakit tuwang tuwa si HB na asarin ako sa nirereto niyang boylet na itatago ko na lang sa nemsung na Tsinelas. Eh kasi yun yung tawag nila. Magkapitbahay daw kami, malapit lang sa UP, pwede na daw ako sumabay sa kanya at sumakay sa carumbey ng boylet para daw madevelop kami. Aba, marunong pa sa akin? Hindi naman ako napikon sa pangrereto na ginagawa nila, mas natatawa pa ako dahil ginagawan kami ng love story! Eh sila kaya, wala namang jowa, kung magpayo sa akin parang mahuhuli na ako sa biyahe!






0 comments:
Post a Comment