Busy-busyhan lang. Panggabi na kasi eh, dahil sa insistent and consistent public demand, ako ang napili nilang ilagay sa panggabi.
Malapit na pala ako mag 1 month. I got to know some of the night people and their flaws which I need to know how to handle. May mga irritating much and meron din naman na annoying that I will get to embrace, pero ang masaya dito, masayahin silang tao. No dull moments when I am with them. Every moment is having fun together.
Among them, si Bards ang napisil kong pagsabihan ng aking second little secret. Bards is short for Bardagul, kasi malaki siyang beki. Ganyan kakaloko ang mga tao sa gabi. Mabait siya, just like me at hindi naman siya mapagtanim ng galit, just like me. On one of our moments together habang magkasabay sa bus papauwi, sinabi ko sa kanya na may crush ako sa IT OPS. Siyempre, yung second crush ko na muna. Gosh, I can't remember kung kelan ako tinamaan kay Kerbs, pero ang naalala ko, kamukha niya si Kerbie Zamora ng Zombadings na crush ko. Yun yata yun.
Na-bother kasi ako na halos two weeks, bonggang-bonggang pandedeadma ang ginawa sa akin ni Kerbie na as if na as in na wit kami magkakakilala. And it hurts me so much every time he passes by without noticing me. Parang may pumipiga ng mahigpit sa heart ko. Yes, ganun ako kaarts... So, I let it out at na-ishare ko kay Bards.
Nakakatuwa siya kasi everytime na makikita ako ni Bards, lagi niyang kinakamusta ang status namin ni Kerbie. Sakto naman kasi nung nag vent out ako ng agam agam ko, kinabukasan, pinansin na ako. Simpleng pansin lang. Yung mga panahon na dinedeadma niya ako, he wont' even look at me, kahit na nung halos mabangga ako sa dibdib niya, he won't talk to me. Nung pinansin niya ako, magkakasalubong kami, papasok ako ng pinto ng office, palabas siya, hinarang niya ako. Ayaw niya akong papasukin at nakatitig lang siya habang naka smile sa akin. Mga 1.5 minutes? Matagal na yun ha! Siyempre, kinilig lang ako.
One time, off ni Kerbie. Nangamusta ulit si Bards tungkol sa amin via company messenger. Ang sabi niya, Kamusta naman si Papa J? Sabi ko, Umayos ka nga! Baka machismis to! Off niya ngayon, so malungkot ang beauty ko. Sagot ni Bards, Hindi yan no! Hindi ko naman sinabing Kamusta na si J_ _ _ E. Sabi ko, Sinabi nang umayos ka kung hindi, babarbequehin kita eh! Hahahah! Ang kulit lang!
Nasabi ko na naman na maloloko ang mga kasama ko sa gabi. We share passwords at our login dahil may mga job na kelangan i-check. Ang mali ko lang, hindi ko na close ang window namin ni Bards na may ganun details at pinakialaman nila ang messenger ko. Medyo nagalala ako na baka nabasa nila yun, hanggang sa dumating ang kinabukasan ...
Out of nowhere, bigla na lang nagtanong ang isa kong ka-officemate kung may crush daw ba ako sa IT OPS. Kung ano ba daw mga tipo ko. Sunud-sunod ang mga tanong nila kahit hindi pa ako sumasagot. At dinedescribe na nila si Kerbie. Gusto ko ba daw ng malaki katawan na parang bouncer? Maitim or maputi? Mukhang basura? Baka may gusto daw ako sa IT OPS at baka matulungan nila ako.
OMG.
Ang loloko lang eh. I confronted them habang sabay sabay kaming lumaps sa pantry, pero hindi pa ako masyadong nag give in, kasi may iba kaming kasama. Ayokong malaman din ng iba na wala namang alam. Pero ang loloko talaga! Pa off na kami kaya hindi na ako masyadong nakapagsabon! Nakakaloko talaga! Nakakakaba na nakakaexcite pagpasok ko on Monday. Ano kayang magiging ganap namin?
Sinong Crush Mo Sa OPS?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






0 comments:
Post a Comment