I Can't Sleep

Hindi lang ako makatulog. May nagiisip ba sa akin ngayon?

Naisip ko lang na kalkalin ang mga entry ko about kay Kerbie Z dahil medyo naaapektuhan pa rin ako sa mga pandedeadma niyang slight. Minsan na lang talaga siya mamansin. Kanina naman, pinansin niya ako. Dumaan ako sa harap niya at tinawag niya ako. At paglingon ko, nag smooch siya sa akin. Sa hangin lang ha, habang nakatingin sa akin. Hindi naman siya lumapit. At ang nasabi ko lang ay "nakakalurkey".

Napagisip-isip ko rin, hindi kaya ako rin ang may kagagawan kung bakit dinedeadma niya ako ng bonggacious? Inadd ko na siya sa company messenger namin, inaantay kong i-message niya ako, pero hindi naman niya ginagawa. Do I project this image na wapakels or mukhang joke lang sa akin lahat kapag nagpapahaging or nage-express siya ng love for me kaya masyadong lukewarm lang nag pinapakita niyang feelings for me?

Sabi nga ni Bards sa akin habang sinabi ko ang eksena na yun sa tapat ng Sogo Hotel sa Guadalupe, it is my opportunity para ipakita yung feelings ko dahil hindi na daw ako bata. Kumbaga, every moment counts! Mahiyain kasi ako eh.

Kinalkal ko lahat ng entry ko dito about Kerbs at ilang beses na pala niyang tinatanong kung may boyfriend na daw ako at kung pwede ko ba siya maging boyfriend. Sa tanda ko bang ito, ang tanong ko sa sarili ko, should I believe myself that he's telling the truth?

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment