Sugar Mommy

July 02.

I am very much excited on my very first weekend at night on a different shift. Excited na kasi akong makita si Kerbie dahil he's on a long vacay last week. Imagine, limited na tinginan at usapan last week plus, snob pa siya, tapos naka-leave pa siya, sobra na ang paghihirap ng kalooban ko. Kelangan bumawi ako ng bongga kapag nakita ko siya tonight at kelangan masatisfy ako sa mga mangyayari ngayon gabi.

In-add ko na siya sa messenger namin last week, but still, hindi pa rin kami nagcha-chat. Gusto ko mauna siyang mag message, eh hello! Ako na ang unang nag add sa kanya. So, going back sa aming moments tonight, nagsimula ang happy hour ko ng binati ko siya.

We asked him for assistance sa isang particular job. Lumapit siya sa akin dahil katabi ko ang nang nanghihingi ng assistance and he said "Hi" to me. Dahil sa mga kinikimkim kong sama ng loob sa kanya nung nakaraan linggo, hindi ko napigilan na sabihin ang nilalaman ng puso ko. Tinanong ko siya kung bakit hindi siya namamansin. Papansinin niya lang ako kapag gusto niya. Wala daw katotohanan yun dahil pinapansin naman daw niya ako. Napansin niya siguro na may pagtatampo ako, so nasa likod ko lang siya para i-comfort ako. Talagang i-comfort?

May ka officemate kaming may dalang malaking Cadburry at nagshare sa amin. Binigyan niya si Kerbie at yumuko si Kerbi sa akin para subuan ako ng pinutol niyang chocolate. OMG, I was so shocked, pero hindi ko kinain, kasi nagpaka dalagang Pilipina ako. Habang kinikilig ako, kinikilig din ang ka officemate ko. Kaya pinaupo na niya sa tabi namin si Kerbie para ma interview tungkol sa "ex" gf niya na taga office. Kunwari nagulat pa ako dun at sinabi ko na may ex na pala siya at hindi na niya ako inantay. Tinanong niya ako kung naniwala ako na aantayin niya ako. Sabi ko oo. May meaning kaya yun?

Sa ginawang research ng staff ko, tumumpak nga ako kung sino ang allegedly gf niya. Sinabi niya na hindi niya "ex" yun. Kumbaga, mutual na ang feelings and he's hoping to make it official nang tinext siya ng girl na ayaw na muna ni babae. Yun yung panahon na hinatid niya para sumakay ng jeep. Hindi naman daw siya na hurt, he didn't cry, pero mukha naman na umasa siya. Iniiwasan daw siya nung babae kapag nakikita. Kahit medyo nagseselos na ko, tinititigan ko lang siya so that I can show the sincerity on his eyes habang nagkukwento siya. Naniniwala naman ako. Nakatingin lang ako sa kanya na halos wala na kaming pinaguusapan nang tinanong niya ako kung bakit ako nakatitig sa kanya, Sabi ko, wala lang. Na conscious?

Sinabi niya ang mga gusto niya sa babae - not necessarily athletic, pero makakasabay sa kanya mag jogging. Sinabi ko, home buddy ako. Turn off daw siya sa babaeng nagyoyosi. OMG. Hindi pa naman ako nagyoyosi, ngayon na lang kasi maulan. Bwahaha! Kahit naka display yung yosi ko sa station ko, tinanggi ko yun. Mukhang gusto niya akong pumayat, kaya nag suggest niya na mag Kankunis ako. Sinabi ko na Kankura nga ang iniinom ko, wa epek pa rin. Gusto niya kasi na pareho sila ng interests ng jowa niya.

He's lying about his age. Mukha siyang 28, but he's only 23. Anuber? Ayaw niya pa magka gf ngayon, eh bakit nung na fall siya dun sa girl, gusto na niyang magka jowa? Talaga lang huh!

The time na nagkukwentuhan kami, he was so touchy, dahil parati niya akong tinatouch! He would touch me here and there! Hindi naman sa okay sa akin "magpamanyak", gusto ko rin naman ang ginagawa niya. Hihihi. Kinikiliti niya ako sa likod at hinahawakan niya ang mga taba-taba ko sa likod. Yuccck. Nag apply ako ng alcohol sa kamay ko at nanghingi siya, gusto niya, ako pa mag apply ng alcohol sa kamay niya! The nerd! Eh di magho holding hand kami! Simula nun, lagi ko nang fina-fantasize yun!

Sabi ng isa naming kaofficemate, why don't we go out and watch a movie daw, tutal, palabas ang Spiderman. Nagsa suggest pa kami kung saan ba pwede, Trinoma or Gateway. Sinabi ko sa kanya na sagot ko na ang sine at sinabi ng kaofficemate namin na dapat sagot niya ang pagkain. Sinabi ko na naman ang joke ko na balak kong mag mami at goto sa loob ng sinehan at kumain ng rice. Muntik na siyang maniwala.

Sabay-sabay kaming nag lunch at around 12:30 am, kahit pa out na siya at 1:00. Na convince ko siya na sabay na kami mag lunch lahat. Habang papunta sa pantry, nahuhuli kaming dalawa maglakad, bigla niya akong inakbayan. Nagulat ako, at hinawakan ko ang wrist niya, take note, hindi kamay. Balak ko pa naman i-caught ang attention ng nauuna na maglakad ng mga kaofficemates namin para sabihin mabigat siya, pero hindi na nila ako narinig. Sinabi niya ang taba ko daw. LOL.

May tumabi sa akin sa pantry, pero pinaalis ng maloko kong kaofficemate dahil dapat, kami daw ni Kerbie ang magkatabi. First time namin kumain together at magkatabi pa kami at nagustuhan niya pa ang ulam ko dahil siya ang umubos! Magjowa ang peg? Kinakain ang foodam ko?

Bigla niyang nabanggit na hindi daw siya ma PDA, which ako rin naman, hindi ako ma PDA. Kasi, palihim ako bumanat. Charrrr. Pagkatapos kumain, sabay sabay kaming bumaba para samahan ang kasama namin na magyosi. Hindi na ako nagyosi, baka kasi ma turn off siya kapag nakita niya ako weh. Wahaha.

May mga times na kino-corner niya ako kapag magkadikit kami. Bigla niya akong haharangan para hindi makadaan o kaya didikit siya sa akin para lumayo ako sa kanya para ma-corner ako sa tabi. Oh gosh, grabe-grabeng kilig na ito ah.

Medyo nasad lang ako nung umalis siya. Nagpaalam naman siya, but nothing so much special. Bitin, kumbaga. Nabibitin ako sa pambibitin niya. May bukas pa naman.



July 03.

Alam kong he would be back to his old self na hindi mamamansin dahil halos kumpleto kaming magkaka officemates na papasok. Na observe ko rin na hindi nga siya ma PDA, meaning, hindi niya ma express ang sarili niya sa madaming tao. Kung anong sobrang kilig ko kahapon, sobrang bitin naman ako ngayon sa mga naganap between us.

Namansin naman siya, dahil ako na unang nag "hi:" sa kanya. Para naman hindi na siya mahiya na tawagin ako.

Out na siya ng mag lunch kami sa pantry kasama ang iba ko pang ka officemates. Kasama naming maglunch ang bff boylet dahil maraming ginawa kanina, kaya dumaan siya ng pantry para magpaalam. Nagpaalam siya sa iba, malayo ako, so hindi ko nakita kung naba-bye sa akin. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na magmukmok at nasabi ko na "nakakainis naman, hindi nagpaalam sa akin" habang katabi ko ang isa kong boss. Sinabi ng boss ko na, "nagba bye siya sa akin". Sabi ko naman, "sa akin, hinde." Sinabi na lang sa akin ng boss ko na, "may bukas pa naman, wag kang magalala". Hahaha! Hindi kaya naghinala na yun na bet ko si Kerbie?

Dahil marami namang nakarinig sa plano naming "movie date", marami rin ang nagtatanong kung matutuloy na ba nitong off ko na Wed and Thurs.. Kahit naman gustuhin ko, hindi ko alam ang number niya at hindi niya alam ang number ko. How frustrating.


July 04.



Habang busy ang iba sa mga issues with other fellow officemates, busy naman ako buuin ang lovelife ko. May mga nagaaway and I chose only to be neutral. Bwahahaha. I promised myself na I will make it a habit na ako ang unang babati kay Kerbie para hindi na siya mahihiya sa akin.

May time na naman na kino-corner niya ako sa tabi. At tuwang tuwa naman ako. Alam ko, type na type niya ako today dahil "medyo" cute ang hitsu ko. Nakasando ako at checkered polo top na naka open. Wala naman akong pwedeng i-flaunt kundi ang assets ko.

Alam kong tatabihan niya dahil I can see on my peripheral vish na he's coming over. I am so prepared pa naman na kausapin siya. At, bigla nga siyang tumabi, kinamusta ako. Nakikinig pa naman ako kay Papa Jack at that time, kaya inalis ko ang earphones sa tenga ko para makapag kwentuhan kami. Tinatanong niya pa kung ano ang earphones ko, nang biglang lumapit sa kabilang side ko ang bff niya. BADTRIP naman oh! Nahiya na ako at nagulo na ako kaya,  pinaalis ko na lang sila at sinabi ko na busy ako. But, he came back, asking me to change his coins to buong bente. Talaga? Usually naman, nagpapabarya ang mga tao, pero siya, nagpapabuo? Duh? Hindi kaya he checked me out dahil "cute" nga ang outfit ko kanina?

Nagpaalam siya, kasabay si bff, pinisil nilang dalawa ang braso, musta naman. Supervisor pa namin ang nagsabi na

May nagfa follow up na naman ng movie date namin kanina. Sinabi ko sa mga nag follow up na hindi ko nga alam ang number niya at may mga mababait naman na nag volunteer na ibibigay nila ang number ko. OMG. I just wish my dream would come true. I am soooo ready. :)



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment