In an instant, we became textmates.
Higad lang ang peg ko last off ko when I initiated the sending of the message. Full support ang boss kong bading sa aming love team, kaya nag DM siya ng shellpone number ni Kerbie. Anong petsa ko na rin naman nabasa, wala kasing nag appear na notification sa Twirrer.
Nagtext ako ng mga 9 am. Iniisip ko, baka tulog na siya kasi pa off na rin siya ng Thursday morning. Ang tagal niyang nagreply, after an hour pa. Sa mga hilatsa ng reply niya, akala ko, alam niyang ako yung nagtetext. Na confirmed ko na lang kasi sa boss kong bading na hindi naman niya binigay ang number ko kay Kerbie, ako lang ang mapilit na alamin ang number niya. Hahahaha!
When I texted him, hindi ko naman nireveal in an instant na ako "yun", nangpanggap pa akong lalake. Sabi ko sa kanya, "can u be a txtm8?". Titignan ko lang naman kung mapagpatol siya sa mga ganun. Bwahahaha!
Sa takbo ng convo namin, naka-hint siya na ako yun dahil may yaya na manood ng sine, pero nung ininsist ko na ibang tao ako, naniwala siya. Hanggang sa sinungit-sungitan na ako, nagpakilala na ako. Baka magalit sa akin.
OMG. Bigla siyang tumawag. Siyempre sinagot ko na. No, hindi pa naman kami, kahit 24 minutes kaming nagusap (talagang chineck ko na daw!) puro kalandian lang naman yun and nothing going serious! Tumalon ako ng ilang beses habang magkausap kami dahil sa sobrang kilig, hindi naman niya ako nakikita weh. Nakakakilig kasi weh!
Then, came Thursday night and Friday nang hindi na kami nakapagtext. Ang lungkot ko niyan, I so swear. I missed him terribly, kaya gusto kong hilahin ng mabilis ang Saturday night para magkita kami. So kagabi na nga yun.
Pagpasok ko kanina, I was expecting na mamamansin na siya. Aba! Deadskin ako hanggang Japan! Ilang beses akong pumasok at lumabas ng pinto na malapit sa kanya, deadma pa rin ang beauty ko! Kaathar!
Quarter before 12 midnight nang lumapit siya sa akin. Grabe, ang sama ng loob ko sa kanya. Hindi ko siya tinitignan ng kinamusta niya ako. Sabi ko, ayos lang. Tinanong niya kung natuloy akong manood. Sabi ko hinde kasi may pasok na ako. Grabe, hindi ko talaga siya tinitignan habang nagtatanong siya, kaya iniwanan na niya lang ako. Ayaw niya ba sa matampuhin na girl?
12:30am, sumunod na kaming kumain. Nagugutom na kasi ako, nasa pantry pa siya. Tumabi na ko sa kanya at nagusap na kami ng slight. Grabe, kung ano-ano lang ang topic, pero kinikiliti niya ako habang kumakain, musta naman yun. At 1:15 am, umuwi na siya. Grabe, tinapik niya lang ako na parang wala lang nung nagpaalam siya.
I am stressed at work kanina dahil may nag halfday sa amin. Kawindang amp! Basta, madaming issue, kaya naisipan ko siyang itext around 2:30 am. Tinanong ko kung gising pa siya. At putangina, kinikilig ang kiffy ko kapag nagrereply siya. Sinabi ko na namimiss ko siya kasi hindi niya ako pinapansin kanina. Sabi niya, kinakausap niya naman daw ako, sabi ko, umalis na lang siya agad. Sabi niya, babawi na lang siya bukas.
Tanginang yan! Kinikilig ang keps ko!
Biglang itsapwera si Heartbeat dahil sa mga kaganapan sa buhay ko. OMG. Hanggang ganitey na lang ba akey?
Textmates
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






0 comments:
Post a Comment