It's only less than a week we're texting each other, I am now confused if I am giving wrong signals.
Mariel Rodriguez lang ang peg ko for the last two weekends - I am wearing a color significant nung first weekend ko, para saan pa, para siyempre sa kanya. At kamusta naman, ang kulay ay.... YELLOW! Feeling lucky lang.
Very excited lang ako to start my day right, kaya pagupo ko pa lang sa station ko, nag message na ko agad sa kanya sa messenger. After 5 seconds, biglang nasa likod ko na siya. Ambilis naman? Lumapit agad. At nagrerequest siya na yakapin ko daw siya kasi sobrang lamig sa pwesto ko. Naginit agad siya?
Pagkatapos mangulit, narinig ko nagpaalam siya sa isa naming kaofficemate na aalis daw siya. During office hours? Palabas na siya ng pinto, ng lumabas din ako to fetch water, pero gawain ko lang yun para matanong kung saan siya pupunta.
Hinawakan niya ako sa kamay, sabi niya baba daw kami. Tinatanong ko kung saan siya pupunta. Sabi niya aalis daw kami, tinaasan ko siya ng kilay. Habang kumukuha ng water sa dispenser, nakaakbay siya sa akin habang kino-convince akong mabuti na samahan ko siya bumaba.
Mahiyain ako sa pagiging touchy person, kaya I only allow it ng 2-3 seconds? Sige na nga, 5 seconds na nga, kaya tinatanggal ko ang kamay niya. Tinanong niya ulit ako for the second time kung ayaw ko daw yun, nakalimutan ko na ang sagot ko o kung sumagot ako or nagsmile na lang ako.
I found out na pumunta pala siya ng Ortigas dahil niyaya siyang makipaginuman ng mga BI niyang friends. Hello! May pasok pa siya nun at bawal ang pumasok ng nakainom. Nagtext ako sa kanya ng around 11pm, asking kung nasan na siya, but he didn't reply. Umalis siyang 7:50pm, dumating siyang ng 11:15pm. 4 hours siyang nawala.
Pagdating niya, namumula ang dibdib niya, clear indication na uminom siya, but tinanggi niya. Kahit sinabi ko na naaamoy ko siya, tinatanggi niya. Medyo natakot ako nung kausap namin siya nung lasing siya. Nakakatakot lang.
Nung kumain kami sa pantry ng 12:30, medyo okay na siya. Maayos na siya kausap. Hindi na siya nakakatakot. Bago umalis, natanong ko pa kung saan siya papunta, babalik pala siya dun sa pinuntahan niyang inuman. Sinabihan ko siya na umuwi siya agad. Pagkaalis niya, nagtext ako na magingat siya. Pero, hindi pa rin siya nagreply sa text ko.
Now ang tanong, am I giving him the wrong signal? Na physical attraction lang ang gusto ko sa kanya? Eh ba't nung isang araw, nagrereply siya agad sa texts ko, bakit ngayon, hindi na? Nakaka-hurt kasi ng feelings.
Wrong Signals?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






0 comments:
Post a Comment