Nung isang araw na magkasama kami ni Chirimi, nabanggit ko sa kanya na trip ni Kerbs ang kantang Hari ng Tondo. Alam ko ang nasa isip mo. So Jeje, right? Yuck, sino ba ang nagkakagusto sa kanta na yan kundi ang mga friends kong jejemon? Ewwww talaga. Kahit naman gusto kong mapanood nun ang Asiong Salonga, never kong magugustuhan ang Jeje song na to, no.
Oooops, nakita ko siya, tumingin sa akin habang papasok ako. Lumapit siya agad pagdating ko, akala ko naman, hihimasin ako. Yun pala, manghihiram ng charger. This time, siya na ang may kailangan, hindi na ang friend niya.
Nung magla lunch na siya, lumapit siya sa akin para yayain akong kumain. May kasamang akbay. Gash! Nakatayo pa naman kami pareho, hindi nga ako halos makatingin sa kanya. May kasamang himas yung akbay niya, nalurkey lang ako. Na-distract ako sa kinukwento ko sa kaofficemate ko! Naginit yata ako eh!
Then when he was about to go home, lumapit siya para ibalik yung charger ko, nang bigla siyang lumapit sa mukha ko para halikan ako! OMG! Akala ko talaga, itutuloy niya, pero lumayo siya agad. Kakashokot amp! Akala ko talaga itutuloy niya, pero sabi niya, inaabangan ko daw yun. Talaga? Ganun na ba ako ka-transparent sa feelings ko sa kanya? O huwag ko kaya siyang kausapin para siya na ang nagpapa cute sa akin? Okay lang siya?
Ayan, nagalit na naman ako. Mas naiiinis yata ako kapag hindi niya tinototoo yung mga sinasabi niya sa akin eh. At bago pala siya umalis, nanghingi siya ng pabango ko na pinahid niya sa leeg niya. Hmmm. May lakad pa ba siya nang gabi kaya kelangan mabango siya?
Inaabangan Ko Daw?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






0 comments:
Post a Comment