Confused No More

Nacacaloca. Nasasad na pala ako nung last time na nag blog ako about my feelings for Kebs. May mga halong kilig pa pala yun kaya medyo ang saya-saya ko pa, pero ano ngayon? Nga-nga.

If the last time, I was so confused, ngayon, not anymore. I finally got an answer to all the questions I previously asked and I got bittersweet answesr. Ngayon, I am on the bitterness phase. And the only way I could move on is to cut all any forms of communication sa kinabibitteran ko. But how could I do that if we are on the same workplace? Every time that I would see him is a pain at plus points kapag may kausap siya sa phone niya, sobrang torture ito. Alangan naman na umiyak ako araw-araw kapag ganon ang eksena?

Napansin ko rin sa sarili ko na kapag slight niya akong pinapansin, nakakalma ang puso kong sugatan (meganun). Nakakatawa, pero, nakakalma ako ng hindi ko mawari. Kung medyo na badtrip ako the other day at nairapan ko siya, the next day na lalapitan niya ako at magtatanong lang ng kung anek-anek, naka smile na ako. Nababaliw na ata ako, pero ganun ang nangyayari. Hindi ko rin maintindahan at alam kong hindi tama yun!

It would definitely take time for me to move on na kapag nakikita ko siya, di na ko nasasaktan. That is an estimated one year from now. Tatawanan ko na lang itong mga pinagba blog ko kapag binalikan ko ito. Bakit hinayaan ko na naman kasing umibig ang puso ko, eh di sana hindi ako masyadong nasaktan ng ganito. Charaught!



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment